November 19th, 2008

Tamad. Mahal. Horror.

Tamad.

Alam mo yun, pag hindi ka na masaya sa trabaho mo, tinatamad ka na. Pilit mo mang kumbinsihin yung sarili mo na masaya ka pa rin sa ginagawa mo, pero ayaw pa rin maniwala ng puso mo. Pero yung utak mo iniisip na lang yung pera para kahit papa'no, may pampagana.

Mahal.

Ang saya-saya ko pa rin kahit papa'no dahil sa mahal ko. Ang bait-bait niya. Gumagaan ang loob ko kapag nakakasama ko siya. Simple lang: siya ang inspirasyon ko sa buhay ngayon. ^^

Horror.

Kanina may pinuntahan kaming isang kilalang kumpanya sa Maynila para magpasa ako ng resume. Ngunit pagpasok ko palang, bumulaga sa kamalayan ko ang dalawang malalaking estatwa na parang sa The Mummy ni Jet Li. Madilim pa yung paligid, di ko alam kung nagtitipid ba sila sa kuryente. Tapos pagpasok ko pa sa HR Department, lalo akong nahintakutan. Umaalingasaw ang amoy sa kwarto, parang kahoy na inaanay at amoy old school. Tapos madilim rin, konting fourescent lights lang ang nakabukas.

Umupo ako sandali sa tabi ng iba pang mga aplikante, nagtanong-tanong nang konti sa nakatabi kong lalake, at mayamaya pa, nagsabing 'labas lang ako', at hindi na 'ko bumalik.

 

Posted by in-momentum at 09:15 PM in Daily Stories | 4 Mga Umispluk

November 11th, 2008

Tanga

Sorry ha, kasi tanga ako.

Pero di bale. Wala na sa'kin yun.

Basta mawala lang galit mo.

Ewan.

Minsan nakakainis na. Gusto ko nang saktan sarili ko.

Minsan nga iniisip ko mamatay muna kahit sandali lang.

Buti na lang may luha pa 'ko.

Kahit papa'no, naiilabas ko pa rin sama ng loob ko.

Nakakatakot lang.

Kasi baka dumating ang araw na mapagod ako. 

Pero di pa 'yon. Kaya ko pa naman eh.

Hangga't kaya, di pa 'ko bibitaw.

 

 

Posted by in-momentum at 10:23 PM in In Trance | 1 Mga Umispluk

November 7th, 2008

Good As New

Every after small fight, our relationship feels like good as new. Kagabi ko napatunayan na mahal ako ng mahal ko.

Siya: "Sabihin mo, pagod ka na ba?"

Ako: "Eh ikaw pagod ka na ba?"

Siya: "Ako ang nagtanong. Sagutin mo tanong ko."

Ako: "Oo, pagod na 'ko."

Siya: "O ngayon mo sabihin sa'kin kung worth it ba 'ko?"

At dahil mababa lang ang luha ko, hindi ko maiwasan maiyak, hindi ko na lang pinaparinig sa kanya.

Ako: "Worth it."

Mahal ko siya. Kahit na sinabi kong pagod na 'ko sa kanya. Konting Katahimikan.

Siya: "Alam ko na ganyan sasabihin mo..."

Ako: "Pano mo nalaman?"

Siya: "Kasi napagtiyagaan mo 'ko. Sa ugali ko, walang tatagal sa'kin..."

Sniff-sniff na naman ako.

Siya: "Ang bait mo talaga. Minsan nga na-aano ako, kasi ang bait mo tapos nasusungitan kita..."

Sniff-sniff pa din.

Ako: "Pero hindi ko gagawin sayo 'yon..."

Kami pa din. Going strong. Ay syet. Monthsary pala namin kahapon. At kahapon nangyari 'to.

*Flashback*

Mula sa catwalk sa Ayala Avenue hanggang sa MRT hanggang sa makababa na 'ko ng tren, wala kaming imikan. Badtrip na 'ko eh. Nababadtrip siya sa mga hirit ko. Eh siya rin naman-- mahirit. Tsaka nainis na 'ko kasi lagi na lang akong nasusungitan. Kahit na alam kong nature na niya yung pagiging masungit. Pero nainis na kasi ako dahil bakit parang pakiramdam ko, ako lang ang nag-aadjust. Eh sa'kin lang, gusto ko na pareho kaming mag-adjust para pakisamahan ang isa't isa.

Well, at least, nasabi ko rin sa kanya yung gusto ko iparating. Pero kainis talaga. Day pala namin kahapon. Di na naalala dahil naunahan ang badtripan. Grr! O basta, ngayon na lang! Hehehe! ^^

 

Posted by in-momentum at 07:10 PM in In Trance, Daily Stories | 2 Mga Umispluk

« Newer | Older »



| Primera Bilatsina | Manggagaya ng blog template ni Kulot | Laitera | Bobokels sa pag edit ng tabulas blog | Hot | Chismosa | At higit sa lahat... Mayaman! |


your name:

url:

your message:

 
 
 

   Super thanks to the Photoshop guru

Aaron

     powered by tabulas.com



Add to Technorati Favorites